Pangulong Tsino, iniutos ang buong sikap na pagliligtas sa bumagsak na eroplano

2022-03-22 09:41:35  CMG
Share with:

 

Pangulong Tsino, iniutos ang buong sikap na pagliligtas sa bumagsak na eroplano_fororder_20220322flight1

Bumagsak kahapon ng hapon, Marso 21, 2022 sa Lunsod ng Wuzhou ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ang flight MU5375 ng China Eastern Airlines na may lulang 123 pasahero at 9 na crew ng eroplano.

Pagkatapos nito, agarang inutusan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga may kinalamang departamento na buong sikap na isagawa ang gawain ng pagliligtas para sa bumagsak na eroplano. Hiniling din ni Pangulong Xi na dapat linawin ang dahilan ng aksidenteng ito sa lalong madaling panahon.

Bukod dito, hiniling ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat ganap na hanapin ang mga pasaherong nakaligtas, bigyang lunas ang mga nasugatan at aluin ang mga kamag-anak ng mga nasawi.

Pangulong Tsino, iniutos ang buong sikap na pagliligtas sa bumagsak na eroplano

Ayon sa ulat, nawalan ng kontak ang naturang eroplano habang lumilipad mula Lunsod ng Kunming ng Lalawigang Yunnan papunta sa Lunsod ng Guangzhou ng lalawigang Guangdong.

Pagkatapos bumagsak ang eroplano, ipinadala ng Civil Aviation Administration at Ministri ng Emergency Management ng Tsina ang working group sa lugar na pinangyarihan. Nagpadala na rin ang Guangxi at Guangdong ng mga rescue teams para sa gawaing panaklolo.

Sa kasalukuyan, maayos na isinasagawa ang rescue efforts at imbestigasyon para rito.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method