Kaugnay ng pag-uusap sa telepono kamakailan nina dating Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Tsai Ing-wen ng Taiwan, ipinahayag Marso 23, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na tinututulan ng kanyang bansa ang opisyal na pakikipag-ugnayan ng ilang puwersang pulitikal ng Hapon sa puwersang may-kaugnayan sa “pagsasarili ng Taiwan.”
Aniya, inilahad na ng Tsina ang solemnang representasyon hinggil dito sa Hapon.
Ani Wang, hinihimok ng Tsina ang Hapon at ilang pulitikong Hapones na malalim na pagmuni-munihan ang kasaysayan, aktuwal na sundin ang prinsipyo ng apat na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon, huwag isagawa ang anumang opisyal na pakikipagpapalitan sa awtoridad ng Taiwan, huwag suportahan ang puwersang may-kaugnayan sa “pagsasarili ng Taiwan,” at itigil ang probokasyon sa naturang isyu.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio