Tsina sa Hapon: Tagumpay ng Anti-Fascist War ng daigdig, dapat igalang at sundin

2022-03-18 15:13:26  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, sinabi nitong Miyerkules, Marso 16, 2022 ni Punong Ministro Fumio Kishida ng Hapon na dapat magbuklud-buklod ang komunidad ng daigdig, at hihilingin ng panig Hapones sa Tsina na isagawa ang responsableng aksyon sa sagupaan ng Rusya at Ukraine.
 

Bukod dito, sapul nang sumiklab ang naturang sagupaan, ipinatalastas ng pamahalaan ng Hapon ang maraming sangsyon laban sa Rusya. Sinabi nitong ang timog Kuril Islands ay katutubong teritoryo ng Hapon na ilegal na sinakop ng Rusya, at isinasaalang-alang ang pagpapalakas ng puwersang pandepensa ng bansa, sa pamamagitan ng pagsusog sa National Security Strategy.
 

Kaugnay nito, mariing babala ang ipinaabot nitong Huwebes ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina sa panig Hapones na dapat totohanang igalang at sundin ang matagumpay na bunga ng Anti-Fascist War ng daigdig.
 

Saad ni Zhao, dapat malalimang pagsisihan ng Hapon ang kasaysayan, igalang ang pagkabahalang panseguridad ng mga kapit bansa sa Asya, igiit ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at gawin ang mas marami para sa pagpapasulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
 

Inulit niyang sa isyu ng Ukraine, laging nagpupunyagi ang Tsina upang mapasulong ang talastasang pangkapayapaan, at mapahupa ang maigting na kalagayan.
 

Aniya, obdyektibo, makatarungan at konstruktibo ang paninindigan ng Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method