Peng Liyuan, dumalo at nagtalumpati sa pulong ng WHO sa World Tuberculosis Day 2022

2022-03-25 16:13:54  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati nitong Marso 24, 2022, sa Pulong ng World Health Orgnization (WHO) sa World Tuberculosis Day 2022, si Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at WHO Goodwill Ambassador for Tuberculosis (TB) and HIV/AIDS.

Peng Liyuan, dumalo at nagtalumpati sa pulong ng WHO sa World Tuberculosis Day 2022_fororder_0202pengliyuan

Si Peng Liyuan,  asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at WHO Goodwill Ambassador for Tuberculosis (TB) and HIV/AIDS

Sa talumpati, ipinahayag ni Peng na, nitong ilang taong nakalipas, sa magkakasamang pagsisikap ng komunidad ng daigdig, natamo ang bunga sa pagpigil at paggamot sa TB.

 

Aniya, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang TB prevention, at inilagay ito sa estratehiyag "Malusog na Tsina."

 

Sinabi pa niya na sapul nang kumalat ang pandemiya ng COVID-19, aktibong isinasagawa ng pamahalaang Tsino at iba’t ibang sirkulo ng Tsina ang aksyon para igarantiyang hindi titigil ang panggagamot sa mga pasyenteng may TB.

 

Ipinahayag niyang datapuwa't mabunga ang pagpigil at panggagamot sa TB, sa ngayon ang TB ay nananatiling pampublikong problemang pangkalusugan sa buong mundo na nakakapinsala sa kalusugan ng publiko.

 

Inaasahan ng Tsina ang iba’t ibang bansa sa buong mundo na isagawa ang mabisang kooperasyon at magkakasamang harapin ang problema, para magkakasamang itatatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng kalusugan ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method