Ngayong araw, Miyerkules, Disyembre 1, 2021 ay ang ika-34 na World AIDS Day.
Sa okasyong ito, idinaos sa Linfen Red-Ribbon School ang iba’t ibang aktibidad. Ang taong 2021 ay ika-10 anibersaryo rin ng pagkakatatag ng naturang paaralan, at ito ang tanging institusyon ng Tsina na nagkakaloob ng edukasyon at panggagamot sa mga batang mayroong HIV/AIDS.
Nagpadala si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina ng kanyang mensaheng pambati sa mga mag-aaral ng naturang paaralan. Si Peng ay nagsisilbi rin bilang Goodwill Ambassador for Tuberculosis and HIV/AIDS ng World Health Organization (WHO).
Si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at WHO Goodwill Ambassador for Tuberculosis and HIV/AIDS
Sa kanyang mensahe, binalik-tanaw ni Peng ang magagandang alaala kasama ng mga guro at estudyante sa nabanggit na paaralan nitong sampung taong nakalipas. Hinihiyakat din niya ang mga estudyante na tularan ang mga magagaling na nagtapos sa paaralan at iba pang mga karapat-dapat na gayahin para maligayang lumaki at ipagpatuloy ang pagmamahal at pag-aalaga sa mga taong may HIV/AIDS.
Noong 2011 nang itatag ang Red-Ribbon School, bumisita si Peng sa mga estudyante.
Si Unang Ginang Peng Liyuan kasama ng mga estudyanteng may-sakit na HIV/AIDS sa Linfen Ribbon School, lalawigang Shanxi, Tsina, noong Nobyembre, 2011.
Ani Peng, tuwang tuwa siyang malamang hanggang sa kasalukuyan, humigit-kumulang 60 estudyante ang nagtapos sa paaralan at isang dosena sa kanila ang nagpatuloy ng pag-aaral sa pamantasan.
Aniya, hinahangaan din niya ang walang-humpay na pagkatig at pagmamahal sa paaralan ng mga nagtapos.
Bilang panapos, saad ni Peng, lagi siyang kapiling ng mga bata sa paaralan.
Mga bata at guro sa Linfen Red-Ribbon School
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Screenshot ng video message ni Unang Ginang Peng Liyuan.