Binatikos kamakailan ni Jens Stoltenberg, Chief ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Tsina kaugnay ng pagkakalat ng pekeng impormasyon hinggil sa Ukraine bilang suportang pulitikal sa Rusya.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Marso 24, 2022, sa preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang pagbatikos mismo ay pekeng impormasyon.
Tinukoy ni Wang na, sa mula’t mula pa’y, batay sa obdyektibo at makatuwirang pakikitungo, nagsisikap ang Tsina para sa kapayapaan at katatagan.
Palaging nananangan ang Tsina na ang Ukraine ay dapat maging tulay ng komunikasyon ng silangan at kanluran, sa halip ng outpost ng kompetisyon ng mga malalaking bansa.
Dapat manangan ang iba’t ibang bansa ng Europa sa prinsipyo ng estratehikong awtonomiya, para itatag, kasama ng mga kinauukulang bansa na kinabibilangan ng Rusya at Ukraine, ang balanse, mabisa at sustenableng organong panseguridad sa Europa, diin ni Wang.
Dapat makipagdiyalogo din ang Amerika at NATO sa Rusya, dagdag ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Mac