Napapatuloy pa rin ngayong araw, Marso 26, 2022, ang gawain ng paghahanap at pagliligtas, makaraang bumagsak nitong Lunes sa kabundukan sa timog kanluran ng Tsina ang flight MU5735 ng China Eastern Airlines, pero wala pang nakaligtas na pasahero ang natutuklasan.
Ayon kay Zhu Tao, puno ng Tanggapan ng Kaligtasan sa Abiyasyon ng Civil Aviation Administration of China (CAAC), hanggang kahapon, mahigit 7,000 tao, 200 sasakyan, 5 helicopter, at ibang mga kagamitan ang idineploy sa gawain ng paghahanap at pagliligtas.
Hindi itinitigil ang gawaing ito, sa kabila ng malakas na ulan at isang naganap na landaslide, dagdag niya.
Samantala, patuloy pa rin ang paghahanap ng isa pang black box ng eroplano, at isinasagawa ang pagkuha ng mga data mula sa unang black box, na narekober nitong Miyerkules.
Ipinangako naman ng CAAC, na isusumite ang inisyal na ulat ng imbestigasyon sa International Civil Aviation Organization.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos