Ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Vanuatu, ipinagdiriwang

2022-03-27 14:03:01  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Sabado, Marso 26, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Tallis Obed Moses ng Vanuatu ang mensahe sa isa’t-isa bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Tinukoy ni Xi na nitong 40 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Vanuatu, naranasan ng relasyon ang mga  pagsubok na kaugnay sa pagbabago ng situwasyong pandaigdig.

Ngunit sa kabila nito, patuloy aniyang lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mabunga ang kooperasyon at pagpapalitan sa iba’t-ibang larangan, bagay na nakakapagbigay ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ang magkasamang pakikibaka ng Tsina at Vanuatu laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay nakakapagpalalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, dagdag ni Xi.

Diin ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Vanuatu, at akahanda siyang magsikap kasama ni Pangulong Tallis Obed Moses upang mapalalim at mapalawak pa ang diyalogo, pagpapalitan at pagtutulungan sa iba’t-ibang larangan at makapaghatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Ipinahayag naman ni Moses na nitong 40 taong nakalipas, nananatiling mahalagang katuwang at maaasahang kaibigan ng Vanuatu ang Tsina.

Iginigiit aniya ng kanyang bansa ang patakarang “Isang Tsina.”

Inaasahan din niyang kasabay ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, walang patid pang mapapalakas ang bilateral na ugnayan sa maraming larangan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method