Pangulong Tsino, bumati sa araw ng kasarinlan ng Vanuatu

2021-07-30 15:07:30  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Biyernes, Hulyo 30, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Tallis Obed Moses ng Vanuatu, bilang pagbati sa ika-41 anibersaryo ng kalayaan ng Vanuatu.
 

Tinkoy ni Xi na nitong nakalipas na 41 taon, napakalaki ng tagumpay sa pag-unlad ng Venuatu.
 

Aniya, sa kasalukuyan, mainam ang pag-unlad ng relasyong Sino-Vanuatuan, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
 

Saad ni Xi, nakahanda siyang magsikap, kasama ni Pangulong Moses, para pasulungin ang pagtatamo ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa ng bagong bunga, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method