Vlog ni Sissi: Tagsibol sa Tsina

2022-03-28 19:06:54  CMG
Share with:

Tagsibol na sa Tsina. Nagiging mas mainit ang panahon, nagdadahon ang mga puno, tumutubo ang mga halaman, bumubuka ang mga bulaklak, kaaya-aya ang simoy ng hangin at muling bumalik ang mga ibon.

Bilang tradisyonal na malaking bansang agrikultural, ang tagsibol ay pinakaimportanteng panahon ng taon para sa mga magsasakang Tsino. Kahit merong modernong teknolohiya alam na alam nila na ang mga gawain sa tagsibol kapag maayos na isinagawa ay kalahati na ng buong proseso ng pagsasaka.

Vlog ni Sissi: Tagsibol sa Tsina_fororder_微信图片_20220328190626

At sa kalunsuran, natapos na ang apat na buwang pagdanas sa maginaw at tuyong kapaligiran na dulot ng taglamig, napapanahon na lumabas ng bahay at mag-enjoy ng kagandahan ng kasalukuyang tagsibol.

Para sa mga kabataang lalaki at babae, ang mga bulaklak at kumportableng panahon ay pinakamagandang dahilan na mag-date.

Vlog ni Sissi: Tagsibol sa Tsina_fororder_屏幕截图 2022-03-28 191031

Para sa mga paslit, sinasabihan ng mga magulang ang kanilang anak na maglaro sa labas at nawa sa tulong na sinag ng araw, tumubo sila tulad ng spring blossoms.

Ang tagsibol ay simula ng bagong buhay at bagong pag-asa. Sana ay matapos na ang pandemiya sa lalong madaling panahon, at sana’y magkaroon tayo ng ginintuang ani sa taong 2022.
 

Video Cr.: Mac
 

Tagasulat: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method