Pagdadalamhati para sa mga biktima ng Flight MU5735, ipinahayag ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC

2022-03-28 16:38:09  CMG
Share with:

Pagdadalamhati para sa mga biktima ng Flight MU5735, ipinahayag ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC

 

Bago magsimula ang pulong ngayong hapon, Marso 28, 2022 ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), iminungkahi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, na mag-alay ang lahat ng mga kalahok sa pulong ng ilang saglit na katahimikan bilang pagdadalamhati para sa mga nasawi sa China Eastern Airlines Flight MU5735.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method