Pagluluksa para sa mga nasawi sa pagbagsak ng Flight MU5735, idinaos sa pook ng sakuna

2022-03-28 10:46:59  CMG
Share with:

Pagluluksa para sa mga nasawi sa pagbagsak ng Flight MU5735, idinaos sa pook ng sakuna_fororder_20220328luksa640

Isang kolektibong pagluluksa para sa mga nasawi ng bumagsak na China Eastern Airlines Flight MU5735 ang idinaos Linggo ng hapon, Marso 27, 2022 sa pook ng sakuna.
 

Tatlong minutong katahimikan ang ini-alay ng lahat ng miyembro ng punong tanggapan ng pangkagipitang responde at mga tagapagligtas upang ipahayag ang kanilang pagdadalamhati para sa mga nasawi.
 

Samantala, kasalukuyang ino-organisa ng lokal na pamahalaan at working group ang mga kamag-anakan ng mga biktima upang isagawa ang pagluluksa sa iba’t-ibang porma.
 

Kasalukuyang isinasagawa ang pagsisiyasat sa dahilan ng naturang sakuna.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method