Ayon sa news briefing ng pamahalaang Tsino tungkol sa pagbagsak ng China Eastern Airlines Flight MU5735, lahat ng 123 pasahero at 9 na tripulante ng nasabing eroplano ay kumpirmadong nasawi.
Matatandaang bumagsak noong Marso 21, 2022 ang nasabing eroplano.
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng naturang insidente.
Salin: Lito
Pulido: Rhio