Ngayong araw sa kasaysayan: Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Anna Louise Strong, progresibong manunulat at kaibigan ng mga mamamayang Tsino

2022-03-29 14:06:42  CMG
Share with:

Noong Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Anna Louise Strong, Amerikanong progresibong manunulat at kaibigan ng mga mamamayang Tsino.

Ngayong araw sa kasaysayan: Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Anna Louise Strong, progresibong manunulat at kaibigan ng mga mamamayang Tsino_fororder_20220329Strong6320

Noong kabataan niya, aktibong nakilahok si Strong sa mga progresibong panlipunang aktibidad, at buong tindi niyang tinutulan ang unang pandaigdigang digmaan.
 

Isinilang noong taong 1885 sa Amerika si Strong. Ang buong buhay niya ay inilaan ni Strong sa paghahanap ng katotohanan, naging interesado sa rebolusyon, at limang beses siyang bumisita sa Tsina.
 

Kasama nina Agnes Smedley at Edgar Snow, binigyan sila ng mga mamamayang Tsino ng magiliw na bansag na “3S.”
 

Sa kanyang ika-5 pagbisita sa Tsina noong taong 1946, kinatagpo sa Yan’an ni Mao Zedong, Tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina at dating Pinakamataas na Lider ng bansa, si Strong kung saan ipinahayag ni Mao ang bantog na pananalitang “Ang atomikong bomba ay tigreng papel,” “Ang lahat ng reactionaries ay tigreng papel,” at “Ang tunay na lakas ay nakasalalay sa mga mamamayan sa halip ng mga reactionaries.”

Ngayong araw sa kasaysayan: Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Anna Louise Strong, progresibong manunulat at kaibigan ng mga mamamayang Tsino_fororder_20220329Strong5640

Sa edad na 72, napagtagumpayan ni Strong ang napakaraming hadlang at kahirapan upang manirahan sa Tsina, at namalagi sa Tsina sa kaniyang nalalabing bahagi ng buhay upang maging saksi ng rebolusyong Tsino.
 

Noong taong 1959, makaraang aprobahan ng Konseho ng Estado ng Tsina, bumisita sa Tibet ang isang grupong binuo pangunahin na, ng mga dayuhang mamamahayag. Naging miyembro ng grupong ito si Anna Louise Strong na edad 74 na sa panahong iyon.
 

Habang nabubuhay isinulat ni Strong ang napakaraming balita at mahigit 30 aklat.

Ngayong araw sa kasaysayan: Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Anna Louise Strong, progresibong manunulat at kaibigan ng mga mamamayang Tsino_fororder_20220329Strong4320

Sa kanyang aklat na pinamagatang “When Serfs Stood Up in Tibet,” isinalaysay ni Strong na “makaraang malayang palayain ang Tibet noong 1951 at isagawa ang demokratikong reporma sa Tibet noong 1959, nakuha ng milyun-milyong aliping Tibetano ang personal na kalayaan kung saan sila ay naging may-ari ng lupain at iba pang mga kagamitan ng produksyon, at tinamasa nila ang lahat ng karapatang pulitikal na itinatadhana sa konsititusyon. Noong taong 1965, pormal na naitatag ang Rehiyong Awtonomo ng Tibet, pati na ang kapangyarihang pulitikal ng mga mamamayan.”

Ngayong araw sa kasaysayan: Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Anna Louise Strong, progresibong manunulat at kaibigan ng mga mamamayang Tsino_fororder_20220329Strong1640

Noong Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Strong at nilibing siya sa Babaoshan Revolutionary Cemetery. Magpakailanma’y aalalahanin ng mga mamamayang Tsino ang matapat na kaibigan nilang si Anna Louise Strong.

Ngayong araw sa kasaysayan: Marso 29, 1970, pumanaw sa Beijing si Anna Louise Strong, progresibong manunulat at kaibigan ng mga mamamayang Tsino_fororder_20220329Strong2640

Ilang papuri para kay Anna Louise Strong:
 

Isang tunay na kaibigan ng mga mamamayang Tsino. — Zhou Enlai
 

Isinilang si Anna Louise Strong sa Amerika, at yumao sa Tsina. Siya ay hindi lamang ipinagmamalaki ng mga mamamayang Tsino at Amerikano, kundi siya ay simbolo ng kanilang pagkakaibigan. — Deng Yingchao
 

Progresibong manunulat na Amerikano at kaibigan ng mga mamamayang Tsino. — Guo Moruo


Salin: Lito
Pulido: Mac
Photo Courtesy: VCG

Please select the login method