Ayon sa balita kamakailan mula sa Ministri ng Tanggulang Bansa ng Rusya, may ebidensiya na nagpapakitang ang U.S.-led biolabs sa Ukraine ay lihim na nagkakalat ng pathogens.
Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Scott Ritter, dating tagapagsiyasat ng mga sandata ng United Nations sa Iraq, na kailangang mahigpit na suriin ang kalagayan ng mga U.S.-led biolabs sa Ukraine.
Sinabi pa niyang kahit ang mga biolabs ay nasa Ukraine, pero pinamumunuan ang mga ito ng Amerika, at isinagawa ang iba't ibang trabaho ayon sa memorandum na nilagdaan ng Ukraine at Amerika noong taong 2005.
Ayon sa dokumentong inilahad ng Amerika sa Biological and Toxin Weapons Convention (BTWC), ang Amerika ay mayroong 26 na pasilidad na kinabibilangan ng bio-labs sa Ukraine.
Salin:Sarah
Pulido:Mac