Biolab ng Amerika sa Ukraine, muling pinag-usapan sa UNSC

2022-03-19 10:32:50  CMG
Share with:

Sa pulong ng United Nations (UN) Security Council nitong Biyernes, Marso 18, 2022, ipinahayag ni Zhang Jun, pirmihang kinatawang Tsino sa UN, na ang anumang palatandaan tungkol sa biolohikal na aksyong militar ay dapat lubhang ikabahala at pahalagahan ng komunidad ng daigdig.

Ani Zhang, dapat magbigay ang kaukulang panig ng reaksyon tungkol sa umiiral na duda at gumawa ng napapanahon at komprehensibong paliwanag para pawiin ang pagdududa ng komunidad ng daigdig.

Sinabi niya na sa isyu ng malawakang pamuksang sandata at seguridad na biolohikal, walang pagbabago sa posisyon ng panig Tsino. Nanawagan aniya ang panig Tsino na itatag ang mekanismo ng pagsusuri sa “Convention on the Prohibition of the Development, Production and Stockpiling of Bacteriological (Biological) and Toxin Weapons and on Their Destruction” upang mapataas ang lebel ng biolohikal na seguridad sa buong mundo.

Dagdag pa ni Zhang, ang direktang talastasan ng mga kaukulang panig ay pundamental na landas para harapin ang kasalukuyang situwasyon ng Ukraine.

Umaasa aniya ang panig Tsino na gagawa ang iba’t-ibang panig ng bagay na makakapagpasulong sa talastasan sa halip na ibayo pang makakapagpalala sa situwasyon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method