Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Kapitbansa ng Afghanistan, idinaos sa Tunxi

2022-03-31 11:23:39  CMG
Share with:

Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Kapitbansa ng Afghanistan, idinaos sa Tunxi_fororder_20220331Afghanistan640

Tunxi, probinsyang Anhui ng Tsina — Pinanguluhan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina ang pagdaraos Huwebes ng umaga, Marso 31, 2022 ng Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga Kapitbansa ng Afghanistan.

Dumalo rito ang mga Ministrong Panlabas o kinatawan mula sa 6 na bansang kinabibilangan ng Pakistan, Iran, Rusya, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan upang magpalitan ng kuru-kuro tungkol sa pagpapatatag ng situwasyon sa Afghanistan, pagbibigay-tulong sa mga mamamayang Afghan, at iba pang tema.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method