Soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng Afghanistan, laging iginagalang ng Tsina — Pangulong Xi Jinping

2022-03-31 10:54:09  CMG
Share with:

Isang nakasulat na mensahe ang ipinadala Huwebes, Marso 31, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-3 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng mga Kapitbansa ng Afghanistan.

Tinukoy niyang nasa mahirap ngayong kalagayan ang Afghanistan, at nasa masusing panahon ang paglitaw ng ibat-ibang isyu.

Ani Xi, ang isang mapayapa, matatag, maunlad, at masaganang Afghanistan ay hindi lamang pananabik ng lahat ng mga mamamayang Afghan, kundi angkop din sa komong kapakanan ng mga bansa sa nakapaligid na rehiyon at komunidad ng daigdig.

Ipinagdiinan ng pangulong Tsino na lagi’t-laging iginagalang ng Tsina ang soberanya, pagsasarili, at kabuuan ng teritoryo ng Afghanistan.

Nagpupunyagi aniya ang Tsina para suportahan ang Afghanistan tungo sa pagkakaroon nito ng mapayapa at matatag na kaunlaran.

Sa abot ng makakaya, kailangang magsikap at magtulungan ang mga kapitbansa ng Afghanistan para suportahan ang mga mamamayang Afghan sa paglikha ng magandang kinabukasan, diin ni Xi.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method