Ikawalong batch ng bakuna kontra COVID-19 na ipinagkaloob ng Tsina sa Kambodya, dumating na

2022-03-31 18:41:13  CMG
Share with:

Sunud-sunod na dumating nitong Marso 29 at Marso 30 sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya ang ika-8 batch ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ipinagkaloob ng Tsina sa Kambodya.

Ikawalong batch ng bakuna kontra COVID-19 na ipinagkaloob ng Tsina sa Kambodya, dumating na_fororder_02bakuna

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Marso 29, ni Wu Guoquan, Komersyal na Tagapayo ng Embahadang Tsino sa nasabing bansa na ang mga bakuna ay tiyak na makakatulong sa mas mabuting pagsasagawa ng plano ng booster shot, at makakatulong sa mga Kambodyano na magkaroon ng ligtas at maligayang Bagong Taong Khmer.

 

Sinabi pa niyang ayon sa iskedyul ng pag-iiniksyon ng booster shot at aktuwal na pangangailangan, ihahatid ng Tsina ang natitirang bahagi ng bakuna sa Kambodya, para ipagkaloob ang mahalagang garantiya para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio  

 

Please select the login method