Umalis ng Tsina nitong Marso 29, 2022, ang bagong batch na 5 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19 na ipinagkaloob sa Kambodya.
Sa send-off ceremony, ipinahayag ni Deng Boqing, Pangalawang Puno ng China International Development Cooperation Agency, na ito ay konkretong aksyon ng pagpapatupad ng mahalagang pangako ng patuloy na pagsusuporta ng Kambodya sa paglaban sa COVID-19, na ginawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang pakikipagusap kay Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya nitong Marso 18.
Ani Deng, hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 42 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19 ang ipinagkaloob ng Tsina sa Kambodya.
Ang Tsina ay naging pinakamahalaga at pinakaligtas na supplier ng bakuna kontra COVID-19 ng Kambodya, dagdag ni Deng.
Salin:Sarah
Pulido:Mac