Ika-23 China-EU Summit, gaganapin sa Abril 1

2022-03-31 11:25:43  CMG
Share with:

Ipinatalastas Miyerkules, Marso 30, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gaganapin Biyernes, Abril 1, 2022 sa pamamagitan ng video link ang Ika-23 China-EU Summit.

Ayon kay Wang, mag-uusap sa summit sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, European Council President Charles Michel, at European Commission President Ursula von der Leyen.

Dagdag pa niya, ang matagumpay na pagdaraos ng naunang 22 China-EU Summit ay nagpapakita ng mahalagang estratehikong namumunong papel nito para sa pag-unlad ng relasyon at kooperasyong Sino-Europeo.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method