Kaguluhan sa kooperasyon ng yamang tubig ng Ilog Lancang-Mekong, di-kailangan

2022-03-31 18:40:16  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ng Mekong Dam Monitor (MDM), isang proyekto ng Amerika, na “ang dam ng Tsina ay nagdulot ng kakulangan ng tubig sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.”

 

Pero, sa tulong ng satellite remote sensing monitoring technology, natuklasan kamakailan ng isang grupo ng mga hydrolohikal na dalubhasa ng Tsinghua University na, malaki ang pagkakaiba ng data na ipinalabas ng MDM sa tunay na kalagayan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Marso 30, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na para sa kooperasyon, kailangan ang mutuwal na pagtitiwalaan at aktuwal na aksyon ng mga bansa sa rehiyon, sa halip na pagtatanim ng kaguluhan ng mga puwersang galing sa labas.

Kaguluhan sa kooperasyon ng yamang tubig ng Ilog Lancang-Mekong, di-kailangan_fororder_01wangwenbin

Ani wang, umaasa ang Tsina na lubos na igagalang ng Amerika ang pagsisikap na ginagawa ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong para pasulungin ang sustenableng paggamit ng yamang tubig sa rehiyong ito.

 

Inaasahan din aniya ng Tsinang gagawin ng Amerika ang mas maraming mabuting bagay para sa pagpapasulong ng pag-unlad ng panrehiyong kabuhayan at lipunan.

 

Sa katotohanan, ang pandaigdigang komunidad ng siyensiya at Komisyon ng Mekong River (MRC) ay gumawa na ng makatarungan paghatol sa papel ng dam hinggil sa lugar na nahahatdan ng tubig ng Ilog Lancang.

 

Ayon sa ulat na ipinalabas ng MRC, ang mga mga cascade reservoir sa Ilog Lancang ay nakakatulong sa katatagan ng agos ng Mekong, dagdag ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method