MOC ng Tsina: Ang kooperasyon ay tanging tumpak na pagpili ng Tsina at Amerika

2022-04-01 16:20:39  CMG
Share with:

Ipinatalastas kamakailan ng U.S. Federal Communications Commission na inilagay nito ang China Telecom (Americas) Corp. at China Mobile International USA Inc. sa tinatawag nitong “List of Communications Equipment and Services That Pose A Threat to National Security.”

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Marso 31, 2022, ni Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina, na ang aksyong ito ng Amerika ay lumabag sa pundamental na prinsipyo ng pamilihan at regulasyon ng pandaigdigang kalakalan, at sinira nito ang lehitimong karapatan ng kompanyang Tsino at ng mga mamimili, na kinabibilangan ng mga mamimili ng Amerika.

MOC ng Tsina: Ang kooperasyon ay tanging tumpak na pagpili ng Tsina at Amerika_fororder_01shujueting

Si Shu Jueting, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo (MOC) ng Tsina (file photo)

Aniya, buong tatag na tinututulan ito ng Tsina.

 

Kaugnay ng pinakahuling pananalita ni Katherine Tai, Kinatawan ng Amerika sa Kalakalan, sinabi ni Shu Jueting na, bilang miyembro ng World Trade Organization (WTO), ang patakarang pangkalakalan at aktuwal na aksyon hinggil dito ng Amerika ay dapat angkop sa regulasyon ng WTO, sa halip na isagawa ang proteksyonismo at unilateralismo sa ngalan ng bagong patakarang pangkalakalan.

 

Ang Tsina at Amerika ay mayroong malaking komong interes at ang kooperasyon ay tanging tumpak na pagpili, dagdag ni Shu.

 

Sa kasalukuyan, nananatili ang normal na pagpapalitan ng delegasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, saad niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method