Tsina, hinimok ang Amerika na kanselahin sa lalong madaling panahon ang lahat ng karagdagang taripa sa Tsina

2022-03-25 16:28:31  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Miyerkules, Marso 23, 2022 ng Tanggapan ng Trade Representative ng Amerika na kakanselahin ang karagdagang taripa sa 352 item ng inaangkat na paninda mula sa Tsina, sa ilalim ng umano’y "Section 301" tariffs.
 

Kaugnay nito, sinabi Huwebes ni Tagapagsalita Shu Jueting ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ito ay makakatulong sa normal na kalakalan ng mga kaukulang paninda.
 

Aniya, sa mula’t mula pa’y ipinalalagay ng panig Tsino na ang unilateral na pagpapataw ng Amerika ng karagdagang taripa ay hindi makakabuti, sa Tsina at Amerika man, maging sa buong mundo.
 

Umaasa aniya siyang alang-alang sa pundamental na kapakanan ng mga mamimili at producer ng dalawang bansa, aalisin ng panig Amerikano ang lahat ng mga karagdagang taripa laban sa Tsina sa lalong madaling panahon, at pasusulungin ang bilateral na relasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan sa normal na landas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method