Ika-40 anibersaryo ng digmaan sa pagitan ng Argentina at Britanya, ginunita

2022-04-03 14:31:39  CMG
Share with:

Idinaos nitong Biyernes, Abril 2 (local time), 2022 ang mga aktibidad sa maraming lugar ng Argentina bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Argentina at Britanya.

Ika-40 anibersaryo ng digmaan sa pagitan ng Argentina at Britanya, ginunita_fororder_20220403Argentina1650

Noong Abril 2, 1982, sinubok ng Argentina na bawiin ang Isla ng Malvinas o kilala rin bilang Falklands, mula sa kolonisasyon ng Britanya sapul noong ika-19 na siglo.

Ngunit, nabigo ang Argentina.

Ika-40 anibersaryo ng digmaan sa pagitan ng Argentina at Britanya, ginunita_fororder_20220403Argentina2650

Sa kanyang talumpati sa Malvinas Islands Museum sa Buenos Aires, inulit ni Pangulong Alberto Fernández ng Argentina ang kahilingan upang ibalik ng Britanya sa kanyang bansa ang soberanya ng naturang mga Isla.

Ani Fernández, sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagsiklab ng digmaan sa Malvinas, ipinapa-abot ng  pamahalaan ng Argentina, mga mamamayang Argentinian, at kanya mismong sarili ang mataas na respeto sa mga kawal na nagsakripisyo ng buhay sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at kanilang mga kamag-anakan at mga beterano.

Diin pa niya, ang mga Isla ng Malvinas ay bahagi ng teritoryo ng Argentina, at ang kahilingan upang ibalik ang mga ito sa Argentina ay komong mithiin ng lahat ng mamamayan ng bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method