Ngayong araw, Abril 2, 2022, ay ang ika-40 anibersaryo ng pagsiklab ng digmaan noong Abril 2, 1982, sa pagitan ng Argentina at Britanya, kung saan sinubok ng Argentina na bawiin ang Malvinas Islands o tinatawag ding Falklands, na nakolonisa ng Britanya sapul noong ika-19 na siglo.
Tumagal ng 74 na araw ang naturang sagupaan, at natapos ito sa resulta ng pagtatagumpay ng panig Britaniko.
Sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagsiklab ng digmaan, kinapanayam ng China Global Television Network ang ilang beteranong sundalo ng Argentina na kalahok sa digmaang ito.
Habang binabalik-tanaw ang digmaan, sinabi ng mga sundalong Argentinian, na nagdulot ito ng mapait na alaala, lalung-lalo na ang kanilang pagkatalo.
Paglipas ng 40 taon, kolonya pa rin ng Britanya ang Malvinas Islands. Kaugnay nito, umaasa ang mga sundalo, na babalik sa negosasyon ang Britanya, at magtatalastasan kasama ng Argentina tungkol sa soberanya ng naturang isla, para malutas ang isyung naiwan ng kasaysayang kolonyal.
Ipinalalagay din nilang, ipinakikita ng digmaan sa Malvinas Islands ang hegemonismo ng mga bansang imperyalista, at ang pinahahalagahan nila ay mga lupang may mahalagang posisyong heograpikal, sa halip na mga mamamayan at soberanya ng ibang bansa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos