Ugnayang Sino-Brasilyano, patuloy na pau-unlarin

2023-01-03 15:24:11  CMG
Share with:

Sa mensaheng pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Enero 2, 2023, kay Luiz Inacio Lula da Silva kaugnay ng kanyang pagkakahalal bilang Pangulo ng Pederal na Republika ng Brazil, sinabi ni Xi, na dahil sa magkasamang pagsisikap ng Tsina at Brazil nitong 48 taong nakaraan, patuloy ang pagsulong ng relasyon ng dalawang bansa, at ito’y naging modelo ng ugnayan ng mga umuunlad na bansa.

 

Aniya, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership sa Brazil.

 

Kasama ng Brazil, magsisikap ang Tsina upang tumahak ang dalawang bansa sa landas na angkop sa sari-sariling kalagayan, igalang ang nukleong kapakanan ng isa’t-isa, pasulungin ang bilateral na pragmatikong kooperasyon, at palakasin ang multilateral na koordinasyon, upang mapasulong at mapa-unlad ang komprehensibong estratehikong partnership sa mas mataas na lebel, at mas mabuting makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa, dagdag ni Xi.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio