Isang mensahe ang ipinadala nitong Lunes, Oktubre 31, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, upang bumati sa pagkahalal ni Luiz Inacio Lula da Silva bilang pangulo ng Brazil.
Tinukoy ni Xi na bilang mga umuunlad na bansa at mahalagang bagong sibol na merkado, may malawak na komong interes at responsibilidad ang Tsina at Brazil.
Aniya, ang pangmalayuang pagkakaibigan at pagpapalalim ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng kapuwa panig ay angkop sa saligang kapakanan ng dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
Makakabuti rin ito sa pangangalaga sa kapayapaa’t katatagan ng rehiyon at daigdig, at pagpapasulong sa komong kaunlaran at kasaganaan, dagdag niya.
Lubos aniya niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Brazilian, at nakahandang magpunyagi, kasama ni Pangulong Lula, upang pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Brazil sa bagong antas, batay sa estratehiko’t pangmalayuang pananaw, at ihatid ang benepisyo sa dalawang bansa at mga mamamayan nila.
Salin: Vera
Pulido: Mac