Transportasyon ng Tsina sa bakasyon ng bagong taon, matatag at maayos

2023-01-03 15:14:28  CMG
Share with:

Sa bakasyon ng bagong taon mula noong Disyembre 31, 2022 hanggang Enero 2, 2023, nanatiling matatag, maayos at tuluy-tuloy ang pagtaas ng bolyum ng mga pasahero sa mga pambansang lansangan, daambakal, abiyasyong sibil at transportasyong pantubig ng Tsina.

 


Sapul noong Disyembre 30, umabot sa mahigit 5 milyong person-time ang karaniwang bilang ng mga turistang inihatid ng mga daambakal sa buong bansa kada araw, at ito ay lumaki ng 109% kumpara noong nagdaang Nobyembre.

 

Samantala, lampas din sa 61.4 milyong person-time ang mga manlalakbay sa mga pambansang lansangan at transportasyong pantubig.

 

Mahigit 2.33 milyong person-time ang sumakay sa abiyasyong sibil sa bakasyong ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio