422 milyong turista, naglakbay sa loob ng Tsina sa bakasyon ng Pambansang Araw

2022-10-08 15:53:17  CMG
Share with:

Ayon sa estadistika ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, sa bakasyon ng Pambansang Araw mula Oktubre 1 hanggang 7, ang bilang ng mga turista sa loob ng Tsina ay umabot sa halos 422 milyong person time at ang kita ng domestikong turismo ay umabot sa mahigit 287.2 bilyong yuan RMB.


Ayon sa pahayag na inilabas kahapon, Oktubre 7, 2022 ng nabanggit na ministri, ang mga parke sa labas ng mga malaking lunsod, mga nayon at parke na nasa loob ng lunsod ay unang tatlong lugar na piniling puntahan ng mga turista.


Salin: Ernest

Pulido: Mac