600 sundalong Ukrainian, patay di-umano sa ganting salakay ng Rusya

2023-01-09 16:26:51  CMG
Share with:

Sinabi ng Ministring Pandepansa ng Rusya, na mahigit 600 sundalo ng Ukraine ang namatay sa ginawa nitong pagsalakay sa isang kampo ng mga sundalong Ukrainian sa lunsod Kramatorsk, gawing silangan ng Ukraine.

 

Anito, ang nasabing pag-atake ay bilang ganti sa naunang pagsalakay ng mga sundalong Ukrainian sa Makiivka ng Rusya na ikinamatay ng 89 na sundalong Ruso.

 

Pero ayon kay Sergiy Cherevaty, Tagapagsalita ng Grupong Silangan ng Sandatahang Lakas ng Ukraine, walang kapabilidad ang Rusya na maglunsad ng mataas na presisyong pag-atake.

 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio