Pagluluwas ng Rusya ng pagkain sa mga mapagkaibigang bansa, lumaki ng 25% noong 2022

2023-01-08 16:03:47  CMG
Share with:

Ipinahayag Enero 7 (local time), 2023, ni Viktoria Abramchenko, Pangalawang Punong Ministro ng Rusya, na sa kabila ng kahirapang dulot ng ipinapataw na sangsyon ng bansang kanluranin, lumaki pa rin ng 25% ang pagluluwas ng Rusya ng pagkain sa mga mapagkaibigang bansa noong isang taon.

 

Sinabi niya na noong isang taon, iniluwas ng Rusya ang pagkain sa 150 bansa, at ibayo pang patataasin ng bansa ang saklaw ng pagluluwas ng pagkain sa taong ito.

 

Diin pa niya, hindi pa kailanma’y “isinapulitika” ng kanyang bansa ang isyu ng pagluluwas ng pagkain.