Tsina sa Amerika: Ibahagi sa WHO ang mga datos sa pagkalat ng COVID-19

2023-01-10 16:59:46  CMG
Share with:

Ayon sa Global Initiative on Sharing Avian Influenza Data (GISAID), ipinahayag, Enero 9, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong nakaraang 3 taon, matapos kumalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), halos lahat ng variant at sub-variant ng COVID-19 ay malawak na kumakalat sa Amerika.

 


Dahil dito, umiiral sa Amerika ang mas maraming variant ng COVID-19, kumpara sa ibang bansat rehiyon, dagdag niya.

 

Dapat aniyang agarang ibahagi ng Amerika ang impormasyon at datos hinggil sa COVID sa World Health Organization (WHO) at komunidad ng daigdig, at isagawa ang aktuwal at mabisang hakbangin para pigilan ang lalo pang pagkalat nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio