Ikatlong ensayo para sa 2023 Spring Festival Gala ng CMG, isinagawa

2023-01-10 16:57:22  CMG
Share with:

Natapos, Enero 9, 2023, ang ikatlong ensayo para sa 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Itinanghal dito ang mga palabas na batay sa karaniwa't aktuwal na takbo ng buhay.

 

Bukod sa mga propesyonal na artista, sumali rin sa nasabing ensayo ang mga tao mula sa iba’t-ibang sangay ng lipunan.

 

Dahil dito, ang napipintong pagtatanghal ay masasabing isang “Spring Festival Gala ng mga Mamamayan” sa audio-visual na paraan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio