Kabuhayang Tsino, magpapakawala ng kasiglahan: idudulot ang mas malaking pagkakataon sa daigdig

2023-01-11 16:48:19  CMG
Share with:

Ayon sa ilang media ng mga bansang kanluranin, makaka-apekto sa pandaigdigang kadena ng industriya at suplay ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 10, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ulat na ito ay kontra sa katotohanan.

 


Aniya, nitong nakaraang tatlong taon, umabot sa mga 4.5% ang karaniwang paglaki ng kabuhayang Tsino bawat taon, na mas mataas kumpara sa karaniwang lebel sa buong daigdig.

 

Bukod dito, aktibo aniyang isinasagawa ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas, at ipinagkakaloob ang dekalidad na produkto at serbisyo, na gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapalakas ng pandaigdigang kadena ng industriya at suplay.

 

Matapos optimisahin ng Tsina ang mga hakbang sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, ipinahayag ng mga namamahalang tauhan ng World Trade Organization (WTO), Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) at iba pa, na ito’y makakatulong sa pagbangon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, saad niya.

 

Sa ngayon, mabuti na aniya sa kabuuan ang kalagayan ng COVID-19 sa Tsina, at napapanumbalik na sa normal ang produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan .

 

Lalo pang pasisiglahin ng Tsina ang lipunan at kabuhayan, at idudulot ang mas malaking pagkakataon para sa iba’t-ibang bansa ng daigdig, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio