Ayon sa magkasanib na sarbey ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) at Chinese Institute of Public Opinion ng Renmin University, Enero 2, 2023, ipinalalagay ng 78.34% ng mga respondiyente sa buong daigdig na ang kabuhayang Tsino ay makina ng pandaigdigang kabuhayan.
Ayon pa rito, naniniwala ang 76.23% ng mga respondiyente na gaganap ng mas malaking papel ang ekonomiya ng Tsina sa pag-unlad sa hinaharap ng kabuhayang pandaigdig, samantalang 71.1% ng mga nakababatang respondiyente ang optimistiko sa patuloy na pag-angat ng ekonomiya ng Tsina.
Ang naturang sarbey ay isinagawa sa 41 bansa na sumasaklaw ng 65.2% ng kabuuang populasyon ng mundo.
Sa kabilang dako, ayon sa pambagong taong mensahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, posibleng umabot sa 120 trilyong yuan Renminbi o halos USD$17.39 trilyon ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng bansa sa 2022.