Bilang katumbas na hakbangin: pag-iisyu ng visa sa mga Timog Koreano at Hapones, sinuspinde ng Tsina

2023-01-11 17:00:50  CMG
Share with:

Isang paalala ang inilabas, Enero 10, 2023, ng Embahadang Tsino sa Timog Korea, na nagsususpinde sa pag-iisyu ng maikling panahong visa sa mga Timog Koreanong nagnanais bumisita sa Tsina para sa negosyo, turismo, pagpapagamot, transit at mga pribadong kadahilanan.

 

Muling isasa-ayos ang naturang hakbang kung kakanselahin ng Timog Korea ang diskriminatibo nitong restriksyon laban sa pagpasok sa bansa ng mga Tsino, dagdag ng paalala.

 


Isang katulad na aksyon nang araw ring iyon, inanunsyo ng Embahada at mga Konsuladang Tsino sa Hapon ang pagsuspinde sa pag-iisyu ng visa sa mga Hapones na nagnanais magpunta sa Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio