Inobasyong sa teknolohiya, gagamitin sa pagsasahimpapawid ng 2023 CMG Spring Festival Gala

2023-01-16 15:51:39  CMG
Share with:

Sa kauna-unahang pagkakataon, inanunsyo sa preskon ngayong araw, Enero 16, 2023 ng mga host ng 2023 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) ang pagpapalabas ng promosyonal na video at animadong maikling pelikula na “Tu Yuanyuan.”  

 

Si Tu Yuanyuan ang opisyal na maskot ng 2023 Spring Festival Gala.



Bukod diyan, ibinahagi rin ng mga staff ang mga inobasyon sa teknolohiya na gagamitin, tulad ng kauna-unahang paggamit ng “8k UHD (Ultra High Definition) + Audio Vivid” sa live broadcast, at iba pa.

 

Dagdag pa riyan, magagamit na rin ng mga tagatangkilik ng China Media Group Mobile ang kapuwa “horizantal screen + Audio Vivid” at “Vertical Screen + Audio Vivid” sa panonood ng livestream.

 

Lumahok sa preskon si Wang Xiaozhen, Pangalawang puno ng CMG.

Salin:Sarah

Pulido:Rhio