69 katao, patay sa pagbagsak ng eroplano ng Nepal: identidad ng 41, kumpirmado

2023-01-17 16:01:49  CMG
Share with:

 

Ayon sa pinakahuling balita, Enero 16, 2023, 69 bangkay ang natuklasan sa labi ng bumagsak na eroplano ng Yeti Airlines ng Nepal.

 

Ipinahayag naman ng Yeti Airlines na kumpirmado na ang identidad ng 41 biktima.

 

Kaugnay nito, inanunsyo ng pamahalaang Nepali ang pagtatalaga sa Enero 16 bilang Pambansang Araw ng Pagluluksa, at paglalagay sa pambansang watawat sa Pokhara Airport sa kalahating tagdan bilang pakikiramay sa mga biktima.

 

Pinanumbalik din Enero 16 ang operasyon ng ilang linyang panghimpapawid sa pagitan ng Pokhara at Kathmandu, kabisera ng Nepal.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio