68 katao, kumpirmadong patay sa pagbagsak ng eroplano ng Nepal

2023-01-16 15:37:47  CMG
Share with:


Ayon sa pinakahuling ulat, Enero 15, 2023 (local time) ng Yeti Airlines ng Nepal, 68 bangkay ang natuklasan sa labi ng bumagsak na twin-engine ATR 72 aircraft ng kompanya.

 

Ito ay taliwas sa mga naunang ulat na 69 katao ang nasawi.

 

Inilathala naman sa website ng Pasuguan ng Tsina sa Nepal nang araw ring iyon, na walang mamamayang Tsino ang lulan ng bumagsak na eroplano.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio