Major Cold

2023-01-20 12:15:49  CMG
Share with:

Ngayong araw, Enero 20, 2023 ay Ginaw Mayor o Major Cold, pinakahuli sa 24 na solar term ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino.

 

Tulad ng pangalan nito, napakalamig ng lagay ng panahon ngayong araw.

 

Magkagayunman, hindi nito mahahadlangan ang kasiglahan ng mga Tsino sa paghahanda at pagsalubong sa paparating na Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taon ng Tsina, pinakamahalagang tradisyonal na kapistahang Tsino.


Para naman sa mga magsasaka, ang Major Cold ay hudyat na tapos na ang pahinga.

 

Matapos ang Pestibal ng Tagsibol, muli nilang sisimulan ang mga paghahanda para sa pagtatanim sa Tagsibol.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio