Kabuuang tingiang benta ng mga bilihing pangkonsyumer ng Tsina noong 2022, 44 trilyong yuan RMB

2023-01-20 16:10:02  CMG
Share with:



Sa preskon, Enero 19, 2023 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag ni Sheng Qiuping, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng bansa, na umabot sa 44 trilyong yuan Renminbi (RMB) o US$6.49 trillion ang kabuuang tingiang benta ng mga bilihing pangkonsyumer sa bansa noong 2022.

 

Aniya, matatag ang iskala ng benta sa merkado.

 

Noong 2022, umabot naman aniya sa mahigit 26.8 milyon ang benta ng sasakyang de-motor sa buong bansa, na lumaki ng 2.1% kumpara noong 2021.

 

Samantala, mahigit 6.8 milyon ang benta ng bagong enerhiyang   sasakyan ng Tsina noong 2022, na lumaki ng halos 1 beses kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, saad pa ni Sheng.

 

Bukod diyan, 6.2% ang inilaki ng tingiang benta sa online na plataporma noong 2022 kumpara noong 2021.

 

Ang datos na ito ay mga 27.2% ng halaga ng kabuuang tingiang benta ng bilihing pangkonsyumer ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio