Dahil sa di-pagpapatupad ng “Two-State Solution:” ugnayan ng Palestina at Israel, lumalala - Tsina

2023-01-30 16:23:25  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng patuloy na paglala ng ugnayan ng Palestina at Israel, na nagresulta sa pagkamatay ng ilang katao, ipinahayag, Enero 29, 2023 ng ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na lubos na ikinalulungkot ng bansa ang pangyayari at sinusubaybayan nito ang nasabing isyu.

 

Ayon sa MOFA, kinokondena ng Tsina ang lahat ng porma ng teroristikong pag-atake na nakatuon sa mga mamamayan, at tinututulan ang labis na paggamit ng sandatahang lakas.

 

Ang priyoridad ngayon ay pagpapahupa sa maigting na kalagayan, anang MOFA.

 

Anito pa, nananawagan ang Tsina sa iba’t-ibang kinauukulang panig, partikular, sa Israel, na magtimpi para maiwasan ang lalo pang paglala ng kalagayan.

 

Paliwanag ng MOFA, ang di-pagpapatupad ng “Two-State Solution” ay ang tunay na dahilan ng paulit-ulit na alitan sa pagitan ng Palestina at Israel.

 

Dapat likhain ng komunidad ng daigdig ng kondisyon para pasulungin ang pagpapanumbalik ng diyalogo sa pagitan ng Palestina at Israel, at nakahanda ang Tsina upang patuloy na magsikap para pasulungin ang paglutas sa nasabing usapin, dagdag ng MOFA.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio