Sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Gitnang Silangan at Palestina, ipinanawagan sa komunidad ng daigdig, Lunes, Nobyembre 28, 2022 ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina UN, ang pagkatig sa pagsasakatuparan ng komong seguridad sa pagitan ng Israel at Palestina.
Sinabi ni Zhang na dapat agarang pabutihin ang makataong kalagayan at kabuhayan ng Palestina.
Para rito, kailangan aniyang paluwagin ng Israel ang restriksyon sa pagpasok-labas ng mga tao, at pagdating ng mga makataong suplay sa Gaza Strip, para malikha ang kondisyon ng pag-unlad ng Palestinong komunidad sa kanlurang pampang ng Ilog Jordan.
Sa pamamagitan ng iba’t-ibang tsanel, nararapat din aniyang ipagkaloob ng komunidad ng daigdig ang mga tulong sa Palestina para maigarantiya ang serbisyong pampubliko at pag-unlad ng kabuhayan at pagbuti ng buhay ng mga mamamayan.
Hinimok din ni Zhang ang Israel na sundin ang kahilingan ng Resolusyon Bilang 2334 ng UNSC na itigil ang lahat ng mga aksyong may-kinalaman sa purok-panirahan ng mga Hudyo.
Aniya, sa tulong ng komunidad ng daigdig, nakahandang isakatuparan ng Tsina ang tunay na multilateralismo; pasulungin ang komprehensibo, makatarungan at pangmatagalang paglutas sa isyu ng Palestina; at isakatuparan ang katatagan, kaligtasan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong Gitnang Silangan sa lalong madaling panahon.