Makaraan ang 3 taong pagkalugmok dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kapansin-pansin ang muling pagsigla ng industriyang panturismo ng Tsina sa panahon ng bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol.
Sa loob ng 7 araw na bakasyon, umabot sa 308 milyong person time ang naglakbay sa loob ng bansa, na lumaki ng 23.1% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Bunsod nito, lumaki ng 30% ang kita ng domestikong turismo.
Maliban diyan, napanumbalik din ang ibang industriyang tulad ng serbisyo at iba pa.
Ayon sa departamento ng buwis ng Tsina, lumaki ng 1.3 beses ang kita ng mga ahensya ng paglalakbay at ibang kinauukulang industriya noong naturang bakasyon.
Naging popular din ang homestay na nagkaloob ng personal na serbisyo sa mga biyahero.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio