Turismo ng Tsina sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol, masiglang masigla – MOFA

2023-01-31 16:09:32  CMG
Share with:

Isinalaysay Lunes, Enero 30, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ayon sa datos, lumaki ng 120.5% ang mga inbound at outbound trip sa bansa at lampas sa 2.87 milyong person-time ang mga nagbiyahe sa katatapos na bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol.

 

Lumaki rin aniya ng mahigit 4 na beses ang outbound air ticket booking.

 

Ang mga turistang Tsino ay mainitang sinalubong ng iba’t-ibang bansa, dagdag ni Mao.

 

Sa kasalukuyang Pestibal ng Tagsibol, kitang-kita aniya ang isang masigla at masayang Tsina.

 

Aniya pa, mahigit 300 milyong domestikong biyahe ang natupad sa bakasyong ito, mahigit 129 milyong tiket ng pelikula ang naibenta, at lampas sa 6.7 milyong yuan RMB ang box office.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio