Pagsugpo ng Amerika sa mga kompanyang Tsino, di-makatuwiran – Tsina

2023-02-01 17:18:56  CMG
Share with:

 


Kaugnay ng balitang itinigil na ng Amerika ang pagbibigay ng lisensya sa mga kompanyang Amerikano na iluwas ang karamihan sa mga aytem sa kompanyang Tsino na Huawei, ipinahayag Enero 31, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito’y grabeng nakababahala.

 

Mahigpit aniyang sinusubaybayan ng Tsina ang pag-usad ng usaping ito.

 

Kinokondena ng Tsina ang pagsugpo ng Amerika sa mga kompanyang Tsino, sa paraan ng pagpapalawak ng konsepto ng pambansang seguridad, at paggamit ng puwersa ng bansa, saad ni Mao.

 

Ang aksyon ng Amerika ay labag aniya sa prinsipyo ng market economy at regulasyon ng pandaigdigang kabuhayan at kalakalan.

 

Ito rin aniya ay nakakapinsala sa kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa kapaligiran ng negosyo ng Amerika, at maituturing na hegemonismo sa siyensiya’t teknolohiya.

 

Patuloy at matatag na pangangalagaan ng Tsina ang lehitimong kapakanan ng mga kompayang Tsino, dagdag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio