Tsina sa Amerika: tumungo sa parehong layunin, isulong ang mutuwal na kapakinabangan

2023-01-12 16:10:42  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagtatayo ng bagong komite sa Mababang Kapulungan ng Amerika na upang humanap ng kalutasan sa di-umano’y isinasagawang koersyong pangkabuhayan ng Tsina, ipinahayag Enero 11, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang kanyang bansa na titingnan ng mga kinauukulang opisyal ng Amerika ang Tsina at relasyong Sino-Amerikano sa obdyektibo at makatuwirang pananaw.

Umaasa rin aniya ang Tsina na tatahak ang Amerika tungo sa parehong layunin kasama ng Tsina, batay sa sariling interes at komong kapakanan, upang tumulak ang relasyong Sino-Amerikano sa landas ng paggalang sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamumuhayan, kooperasyon, at mutuwal na kapakinabangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio