1 Tsino, patay sa pamamaril sa Ethiopia

2023-02-01 15:09:20  CMG
Share with:

Kinumpirma, Martes, Enero 31, 2023 ng Pasuguan ng Tsina sa Ethiopia, na 9 na Tsino sa rehiyon ng Oromia, gitnang timog ng Ethiopia ang pinagbabaril, Lunes ng isang armadong tao.

 

Dahil dito, isa ang nasawi, anang pasuguan.

 

Kamakailan ay madalas maganap sa purok-hanggahan ng Oromia at iba pang rehiyon ang insidente ng pamamaril, pambibihag, panloloob, at iba pa, na nagdulot ng malaking bilang ng kasuwalti.

 

Kaugnay nito, ipinaalaala ng pasuguan sa mga mamamayan at institutong Tsino sa Ethiopia na pag-ibayuhin ang pagmamatyag, lumayo sa mga mapanganib na lugar, at huwag pumunta o dumaan sa mga delikadong rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio