
Inanunsyo ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, na pinanumbalik na ngayong araw, Pebrero 6, 2023, ang subok-operasyon ng ahensyang panturismo para sa mga grupo ng paglalakbay sa ibayong dagat.
Kasama sa unang pangkat ng mga subok-destinasyon ang 20 bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Thailand, Indonesya, Kambodya, at iba pa.
Samantala, simula ngayong madaling araw, 6 na grupo mula sa lunsod Guangzhou, lalawigang Guangdong ng Tsina ang nagsimulang magbiyahe patungo sa ibayong dagat.

Salin:Sarah
Pulido:Rhio